Ginoo:
Maski hindi mo sabihin kung saan ka nakatira alam ko dito ka sa MAIA ALTA kasi ganyan talaga ang patakaran nila dyan kasi naman sabihin nating tanga yung mga opisyales na umupo bilang BOD. Biro mo 5 ang seat at 3 dun ay sa Developer. Pag magbutuhan talo ang HOA walang Democrasya dyan panlalamang ang tawag diyan. Kung ako sa inyo magconduct ka na lang ng people power at baguhin ang set up ng List of Officers. Dapat 15 ang BOD yan ang sinasabi sa rules. Mas marami mas maganda para sa HOA dahil mas maraming makikialam sa mga policy. Kapag 5 lang at masuhulan pa ang 2 ninyong representative ay walang magandang mangyari sa inyo. Hindi makatao ang pagputol ng linya ng tubig kapag hindi magbayad ng Dues. Alam mo ba na napalitan na yung dating Operations Manager ng CAPMI dahil na rin sa natuklasan ng Head Office na merong malaking kalokohan at anomalya nyang ginawa bago na ngayon kung alam mo lang. Kung ako sa inyo pagkakataon nyo na upang bumuo ng bagong pamunuan. Kapag ang nakakarami ang nagsalita ano mang By-Laws yan ay wala silang magagawa. Ipapawalang bisa lamang ninyo ang naunang listahan ng opisyales kailangan marami kayo at magkaisa baka kapag nagiisa ka ay saktan ka nila at baka di ka pa nila papasukin dyan sa bahay mo. Pera ang dahilan ng lahat kasi ang mga Property Managers na iyan ay kumikita ng malaki sa mga construction tulad ng fencing, extension at repair ng mga existing na bahay. Imbes na magfile sila ng construction bond sa crown Asia ay binibigyan nila yang magaling na Operations Manager ng 20,000 pesos para hindi na magfile ng bond. Yung contractor ang nagbibigay niya. Kaya mataas talaga ang mga contract price ng mga contractor dahil na rin sa mga lagay na nangyayari. Bakit kailangan na may mangangasiwa sa Subdibisyon samantalang meron namang BOD? Di ba maliwanag na pera ang dahilan? Kaya kung naniniwala ka sa diwa ng demokrasya gawin mo ang advise ko hindi sila ang dapat nasunod dapat ang taong bayan. Ang mga pating at buwaya ay dapat maalis sa subdibisyon. Dapat kumawala kayo sa kuko nila dahil habang nadyan sila gagatasan kayo. Kalokohan ang isang HOA na 5 lang ang opisyales. Kaya kumilos na kayo. Tama na sobra na ang pangongorakot! Itigil ang mapanupil na patakaran ng Developer at ang mga tao ay dapat magkaisa at magaklas sa mga taong buwaya. Ang kita ng swimming pool at Clubhouse ay dapat mapunta sa kaban ng HOA at hindi sa bulsa ng mga Property managers na iyan.
|