Mr. Rommel Calzado
please answer the following questions.
1. ang lot/ housing unit na kailangan ibenta ng developer sa aming phase ay more than 500. ang nakatira ay more than 100 pa lang. dapat bang maningil ng subdivision dues kaagad? kailan dapat sila maniningil?
2. sa bill ng mga homeowner ay pinalitan ang term na subdivision dues ng maintenance dues at nagdagdag pa ng electricity bill. tama ba ang ginagawa na ito ng developer given the situation mentioned above?
3.ininform ng developer ang local government para sa turnover ng subdivision at ang office of the mayor naman ay nagset ng date para sa inspection. tama bang ang local government ang mag-initiate ng turnover? ano ba ang mahahalagang requirement para sa turnover?
4. ang subdivision plan daw ng aming subdivision ay may tinatawang na housing component. anong ibig sabihin nito. kailangan ba kumpleto ang nakatira sa subdivision bago ma-turnover?
5. may narinig ako na nag-aaply ng amendment ang developer para matanggal ang housing component na sinasabi. pupuwede ba ito? at ano ang maaring recourse ng mga homeowners kung sakaling gawin nila ito?
6. sabi ng munisipyo pag na-turnover ang open spaces sa munisipyo 'di naman nila babayaran ang street lights. tama ba yun? sabi nila ang sagot lang daw ng munispyo ay yung buwis ng kalsada with the subdivision. dapat bang buwisan ang kalsada?
maraming salamat at sana pa eleborate ang mga bagay na di ko na mention pero karugtong ng mga katangan ko.
|