maraming salamat po sa reply ninyo sa tanong ko. may isa pa pong problema ang Tierra de Sta. Maria Subdivision, Phase 1, ang water service ng developer. hindi po ito kasama sa turn-over. nitong nakaraang bagyo, nawalan po ng kuryente, kaya expected naming wala ring tubig. so nag-ipon kami. medyo natagalan ang pagbalik ng kuryente, umabot ng lunes, June 23. pero ang tubig ay hindi sumabay. from Saturday to Tuesday, June 24, 2:00 ng hapon wala po kaming tubig. nag-request lang po kami sa fire department para magbigay ng tubig.
Pangalawang beses na pong nangyari na nasira nang matagal ang deep well. nung una ay nung 1999 o 2000 siguro. kaya po nag-request kami sa developer na magkaroon ng generator at back-up na motor kung sakaling masira ito. ngunit walang nangyari - walang generator, walang back-up motor. tuwi po magkaka-aberya ang motor, magdurusa na lang kami at aasa sa bumbero. gusto naming ikabit na kami sa Sta. Maria Water District. may proseso po ba para dito?
isa pa po, ang drainage system po ba ng mga barado, sino ang dapat magpalinis - LGU o developer?
isa pa po, since na-turn-over na kami, may poder ba ang developer na paupahan ang mga bahay na parang inabandona na ng mga may-ari? ang developer po ang nagpapa-upa ng mga bakanteng bahay dito sa amin. Kami po ay GSIS-assisted kaya bayad na sila ng ahensya. legal ba ang kanilang pagpapa-upa?
maraming, maraming salamat po.
|