Contact Us

Public Service

Where Do We Find...

Announcement!

 

Message view


Categories Message Board Q and A

P200 Pesos penalty for NON-ATTENDANCE of General Meeting eve


Author:

Micro Touch

Time:

12.05.2008 20:31

Text:

Magandang araw po sa makakabasa at tutulong po sa akin.
Ako po ay single Parent, na may dalawang anak na 6 years old at 3 years old. Ang nanay po ng aking mga anak ay OFW na, at ang mga anak namin ay sa akin na ni-REWARD ng DSWD, sa pangako na indi ko sila pinababayaan.

Wala po sana akong problema, masipag akong nagtatrabaho at inaasikaso ang mga bata kapag wala namang pasok, at ginagawa ito nang mag-isa. Gaya ng sabi ko po, ako ay SINGLE parent, at LAWFUL duty ko po ang ibigay ang lahat sa mga bata 24 x 7.

Ang problema ko po ay ito, ang amin pong asosasyon lately dito sa may tanag, antipolo city, ay nagrequire lately na umattend ang mga miembro ng homeowners tuwing may general assembly at may penalty ng Two Hundred Pesos kapag indi dumating. Ang meeting po nila ay every two months so sa loob ng isang taon ay 6 x 200 = P1200.00 ang penalty kung talagang indi makakarating, at wala pa po dian ang emergency meeting kung mayrun man.

Ngayon po, sa kalagayan ko po, siguro naman logical naman po na indi ko po kayang umattend dahil walang wala po akong oras bilang isang SINGLE PARENT. Sumulat na po ako sa kanila nang Maayos at ipinaliwanag subalit, ayaw nilang tanggapin ang aking sitwasyon. Saan po ako lulugar? Kapag umabsent halimbawa ako sa trabaho para maka-aattend ng kanilang meeting, mawawalan ako ng sueldo, kapag indi naman ako umattend sa kanilang meeting, mawawalan ako ng P200 dahil sa penalty. At pag nagpatuloy naman po ako sa pag-liban sa aking trabaho dahil sa pag-attend sa association meeting ay puede ako MATANGGAL SA TRABAHO dahil frequent absences can result to termination regardless of the reason.

Saan po ang humanitarian considerations dito? Paano na ang mga Single parent na katulad ko na pinipilit na iaahon ang mga anak nang indi namemerwisyo ng kapwa. Ano ho ang STAND ng HLURB sa mga ganitong kaso? Ano ho ang HUMANITARIAN CONSIDERATIONS ng mga HOMEOWNERS dito sa mga ganitong kaso? Tulungan nio po ako?

Ngayon po ang natatanging solusyon lamang na aking naiisip ay magbayad ng proxy sa kung sino mang tao na mapapakiusapan ko na umattend para sa kin, subalit sa ganitong kaso, magagastusan pa din po ako, pero at least po ay mas mababa kumpara sa rate na ipinapataw ng penalty ng association.

Ang akala ko po ang association ay ginawa para mapaganda ang buhay ng mga miembro ng association, subalit sa kaso ko po? tanong ko lang po sa lahat ng mambabasa at makababasa nito na ... saan po gaganda ang sitwasyon ko sa ganitong kundisyon?

Indi naman po lahat ng bahay at tahanan ay parepareho, na mayroong nanay at tatay, na mayroong lolo at lola o mga tiyo at tiya na puedeng magpaproxy o puedeng pakiusapan na mag-alaga ng mga bata o kung ano pa man. Mayrung mga munting tahanan na tanging isang magulang at mga anak lang ang legal na magkakasama, ano ho ang humanitarian consideration dito po ng mga Homeowners kung sakali po? May mga single parent po na katulad ko na mabigat ang responsibilidad at hindi puedeng ipagkatiwala sa kahit kaninong tao ang kanyang mga anak kahit sa yaya pa, dahil sa batas, at bilang reward ng DSWD ang mga bata, ang mananagot sa kung ano man ang mangyari sa aking mga anak ay ako at ako lamang at indi kung sino man.

Tulungan nio po ako!



Message threads

Topic: Author:
Time:
Message  P200 Pesos penalty for NON-ATTENDANCE of General Meeting eve
Micro Touch 12.05.2008 20:31  
Message    RE: P200 Pesos penalty for NON-ATTENDANCE of General Meeting
emma ulep 16.05.2008 09:58  

Home   |   Agency Profile   |   Laws and Issuances   |   Services   |  FAQ's   |  News and Events   |  Buyers  |  Developers  |  Brokers  
  Home Owners Assocations  |  Local Government Units  |  Inquiries  |  Webmail  |  Bulletin  |  Forum  |  Links  |  Web Statistics