Contact Us

Public Service

Where Do We Find...

Announcement!

 

Message view


Categories Message Board Q and A

Delay and construction flaws.


Author:

PCMK Alobaj

Time:

26.04.2008 22:49

Text:

Delay: Ang amin pong developer ay tatlong ulit ng nangako (in writing) na tatapusin ang aming kontratadong unit ngunit hindi po ito nasusunod. Umuwi na po ang aking asawa noong una silang mangako para mag inspeksiyon ng bahay subalit 65% pa lamang pala ang natatapos nila noon. Hindi man lamang po sila nagbigay alam sa amin na hindi pa tapos ang bahay.

Construction Problem: Ang unit po ay located sa corner lot. Ang elevation po ng bahay ay itinayo ayon sa "level" ng harapan kalsada na matagal ng natapos. Subalit ng nakatayo na ang bahay, saka pa lamang ginawa ang kalsada sa gawing gilid nito. Ang problema, kapantay lamang ito ng sahig ng bahay (wala pa ang sidewalk). Hindi po namin inaasahan ito sapagkat ang alam at nais namin ay mas mataas ang sahig kesa sa dalawang kalsadang ito.

Mayroon na rin po kaming naidagdag na structure maliban sa standard ng developer habang gingawa ito sapagakat kailangan pong monolithic ang construction. Sumang ayon naman po ang developer dito at ang kanilang contractor na rin ang aming kinausap na gumawa para tuloy tuloy ang trabaho.

Tanong:
1. Maaari po ba namin bawiin ng buo ang aming ibinayad ng hindi aabot sa korte?
2. Maaari din po ba namin mabawi ang naidagdag ng trabahong nabanggit namin?
3. Gumawa na rin po kami ng sulat ukol sa delay nila na papatungan namin ng penalty at hinihingi din ang solusyon nila sa problema ng elebasyon nabanggit, subalit wala po silang binanggit ukol dito ng sila ay sumulat sa amin at nangako lamang sa ikatlong pagkakataon na tatapusin ito. Muli ito po ay hindi natupad. Kaya po iniisip namin ikansela na ang kontrata sa dahilan nawalan na kami ng interes at tiwala sa developer.

Maraming salamat po.




Message threads

Topic: Author:
Time:
Message  Delay and construction flaws.
PCMK Alobaj 26.04.2008 22:49  
Message    RE: Delay and construction flaws.
emma ulep 28.04.2008 12:18  

Home   |   Agency Profile   |   Laws and Issuances   |   Services   |  FAQ's   |  News and Events   |  Buyers  |  Developers  |  Brokers  
  Home Owners Assocations  |  Local Government Units  |  Inquiries  |  Webmail  |  Bulletin  |  Forum  |  Links  |  Web Statistics