Contact Us

Public Service

Where Do We Find...

Announcement!

 

Message view


Categories Message Board Q and A

DEVELOPER IS ASKING OUR HOA TO PAY STREETLIGHTS ETC.


Author:

raul sanchez

Time:

14.04.2008 12:05

Text:

Hindi pa po turned-over sa amin ang pamamahala ng Courtyard Subdivision, MAIA ALTA dito sa Dalig 2 , Antipolo City sa kadahilanang meron pa po silang binebenta na mga Housing units dito. Noong April 12 ay tumawag ang Developer sa pamamagitan nila Mr. Mike Favorito, Head ng Customer Care ng Crown Asia Properties, MaeAnn, Mr. Jun Aguillon-Operations Head ng CAPMI, at Mr. Joel Villamarin-Property Manager ng CAPMI kasama po kaming opisyales ng HOA ng Courtyard Subdivision. Sinabihan po kami sa nasabing meeting na may utang na kami na more or less PhP40,000.00 representing cost of electricity and streetlights and garbage collection. At sa darating daw na July 2008 ay maghati na po kami ng Developer sa pagbabayad ng pasweldo sa 4 na security guards, ibig sabihin ay magbabayad kami ng Php 24,000 kada buwan para sa 2 security guards.
Ang tanong ko po ay ganito: Dapat ba kaming magbayad sa Developer sa mga sinasabi nilang singilin habang hindi pa turned-over sa amin ang naturang subdivision?
Malaki pong problema sa aming mga opisyales ng HOA kapag ganito ang nangyari kasi hindi pa kami nakakapag-umpisa ay baon na kami sa utang. Karerehistro pa lang po namin sa HLURB at kailangang i-mind set pa namin ang aming mga miembro tungkol sa pagbabayad ng monthly dues. Pailwanagan nyo naman po kami sa aming problema.
Ang amenities nga po na itinatadhana ng batas tulad ng multiporpose center at playground amenities ay hindi pa po inilalagay ang mga street names and signage na dapat ilagay din ng DEVELOPER as per mandated by PD 957 ay wala pa po. Eto sinisingil na kami samantalang di po ba kasama na sa marketing expenses na nila ang ganyang mga gastosin? Kasi sino ba naman ang bibili ng house and lot kapag madilim at walang streetlights sa naturang subdivision, pati na ang mga model houses nila kung saan daily ang paggamit ng air con, may aircon sa 1st floor at 2nd floor ng nasabing model houses. Dapat ba na kami na nakatira doon ay magbayad sa ganyang bayarin samantalang di pa turne-over? at kasalukuyang pa silang nagbebenta? Unfair naman po yata.





Message threads

Topic: Author:
Time:
Message  DEVELOPER IS ASKING OUR HOA TO PAY STREETLIGHTS ETC.
raul sanchez 14.04.2008 12:05  
Message    RE: DEVELOPER IS ASKING OUR HOA TO PAY STREETLIGHTS ETC.
Rommel Calzado 16.04.2008 09:07  
Message      RE: DEVELOPER IS ASKING OUR HOA TO PAY STREETLIGHTS ETC.
Christopher Finez 29.05.2008 03:42  

Home   |   Agency Profile   |   Laws and Issuances   |   Services   |  FAQ's   |  News and Events   |  Buyers  |  Developers  |  Brokers  
  Home Owners Assocations  |  Local Government Units  |  Inquiries  |  Webmail  |  Bulletin  |  Forum  |  Links  |  Web Statistics