Contact Us

Public Service

Where Do We Find...

Announcement!

 

Message view


Categories Message Board Q and A

In full control?


Author:

kiko areta

Time:

06.04.2008 18:05

Text:


Isa po ako sa regular na bumibisita dito sa inyong web site, marami na narin akong nalaman at natutunan pag dating sa mga karapatan ng isang miyembro ng isang HOA sa pamamagitan ng pag basa ng mga tanong at mga sagot, may mga gusto pa po sana akong maliwanagan tungkol sa alituntunin ng isang HOA/Developer.

Matatawag ba na "In full control" ang developer kung ito ang siyang humahawak at naningil ng monthly HOA dues? gayong, nung basahin ko ang bylaws ay wala ang kanilang mga pangalan(Developer) sa mga board? Nakausap ko ang Press ng HOA na hinihingan ko ng Finanacial Statement at sya namang himingi sa me hawak ng pondo(developer)sabi ay ibibigay lang nya ang FS kung mag bubukas ang HOA ng account sa banko, hindi ba dapat ay ang developer ang mag iinitiate o mag ga guide sa HOA upang ma praktis na nila ang kanilang mga karapatan at tumakbo ang HOA na kanilang dapat gabayan(developer) habang sila ay nandito pa? may isang taon narin po ako d2 at karamihan po na nakakusap ko ay tinatamad ng maging aktibo sa HOA dahil sa laki ng HOA due na wala naman silang nakikitang proyekto dahil ang lahat ay kailangan dumaan sa apruba ng developer na siyang may hawak ng pondo ng HOA. lumalabas na palamuti lamang ang HOA namin dahil hindi nito nagagamit ang kanilang mga karapatan, hindi kaya binuo lamang ng developer ang HOA sa kadahilanang isa ito sa mga requirement nila upang mabigyan ng lisensya? magkagayun man pwede ba kaming humingi na lamang sa developer ng financial statement na hindi maibigay sa amin ng HOA? nang sa gayon ay mawala na ang aming mga pagdududa na may mga iregularidad na nagaganap sa pananalapi ng HOA.

Muli maraming salamat po, Mabuhay po kayo!!



Message threads

Topic: Author:
Time:
Message  In full control?
kiko areta 06.04.2008 18:05  
Message    RE: In full control?
Rommel Calzado 16.04.2008 02:13  

Home   |   Agency Profile   |   Laws and Issuances   |   Services   |  FAQ's   |  News and Events   |  Buyers  |  Developers  |  Brokers  
  Home Owners Assocations  |  Local Government Units  |  Inquiries  |  Webmail  |  Bulletin  |  Forum  |  Links  |  Web Statistics