Dear Sir,
Itanong ko lang po kung ang open space na nakalaan para sa parks and
playground ay maari po bang gamitin o pagtayuan ng opisina ng developer o ng HOA office , chapel o clubhouse. Ano po ba ang nasasakop ng community facilities?
Dito po sa aming subdivision ay mayroong isang secta na kung magdaos
ng kanilang pagsamba ay halos araw araw at kung sabado at linggo sila ay inaabot ng hanggang ala 11 ng gabi. Nakakaistorbo na po sila lalu na
sa TV lang naman kadalasan ang kanilang ministro nagsasalita. Ang aming pong HOA ay wala pong magawa dito dahil sila po ay malaking
grupo na hindi naman mga homeowners. Saan po ba kami dapat lumapit.
Kung ang developer ay hindi tinupad ang mga nakasaad sa mga pagbebenta nila saan po kami maaaring dumulog. Kasi ang mga drainages dito sa amin ay hindi pa nila naaayos.
Marami pong salamat.
Jane Avila
|