Good day! Ako po ay nakabili dalawang lote na magkatabi dito sa amin.(Graceland Homes Subdivision) dito sa San Isidro, Calauan, Laguna. Noong 2003 kpa na full payment ang isa tapos 2004 naman ang isa. Pero nitong 2007 lang nila na deliver ang dalawang title. Katakot takot ang dinaanan nmin para lng mkuha ang title. Ang nasabing subdivision ay walang kumpleto facilities( Electrical, Drainage, perimeter fence) na nkasaad sa knilang advertisements. May mga nakatayo na mga bahay pero kng saansaan nakikabit ang knilang kuryente very unsafe kc puro temporary coco lumber lng ang ginawang poste. Malaki na nga gastusin ko pagpatambak kc sa bandang likod ng lupa ko walang drainage at doon naipon ang tubig kng umuulan at naging malalim na bangbang. Sabi nila sa amin noong nagbabayad pa kmi tatambakan daw nila. Pero puro lng sila pangako at ngayon na bayad na lahat dna nila inaasikaso. Ngayon gusto ko na patayuan ng bahay aking lupa. Hinihingian nila ako ng construction ban na 30 thousand at ang sabi sa akin ng knilang representative ay 80% lng ang ma refund. Ito'y hindi nkasaad sa aming pinirmahan na contract to sell. Hindi na nga kmi nag reklamo sa delivery ng title na halos inabot ng apat na taon bago nmin nkuha.Ito parang iniipit kmi purki hindi kmi sa knila magpagawa ng bahay. Malinaw na paglabag sa PD 957 ang ginagawa nila. Dapat nga sana 2003 pa naumpisahan ang bahay pero d kmi makakuha ng bldg. permit dito sa munisipyo ng Calauan gawa ng hindi pa sila nakapagsubmit ng kumpleto papeles para sa permit at wala din ang title ng lupa. Kaya ito nkandahirap kmi sa pagbabayad ng upa sa bahay at nangupahan lng kmi. Dapat matagal na nmin nagamit ang lupa at natirhan. Ngayon desidido na ako magpatayo na kahit iloan ko sayang kc ang upa buwan buwan sa bahay. Sana tulungan nyo kmi at mabigyan nyo kmi ng payo kng ano dapat nmin gawin. Thanks in advance.
|