Sa Courtyard MIA ALTA Bgy. Dalig 2 Antipolo City po ako. Bakit wala pong amenities ang aming subd. samantalang napakamahal ang mga lupat bahay dito? Ang sinumite na mga development plan ng Developer po sa HLURB ay na chop-chop upang sila ay makakuha ng license to sell at successful naman silang nakuha ng mga legal na requirements at hindi entitled ang nasabing subd. sa mga amenities according to the no. of saleable housing units at according to area. Pero sa totoo lang po wala pong Courtyard Maia Alta 1,2 & 3. Iisa lang po ang Courtyard maski pasyalan po ninyo. Ibig ko pong sabihin entitled ang Courtyard Maia Alta ng mga amenities tulad ng Multipurpose Center o Clubhouse, Playground amenities at Basketball Court. Kasi po ang area ay more than 1 hectare at ang total number of houses dun ay 144. Sa provision ng IRR ng PD 957 maliwanag po na entitled ang Courtyard ng mga amenities. Ano po ang magagawa ng HLURB sa mga usaping ganito? Ang Developer po ay successful na nakapagpapirma sa amin sa pamamagitan ng Contract To Sell ng mga provision na hindi makatao dahil lahat po na nakalagay dun ay para lamang sa kapakanan ng Developer
Bakit kailangan po naming makiusap sa Developer na itayo ang mga nasabing amenities samantalang napakamahal ang bahay at lupa dito? Alin po ba ang dapat na masunod? ang batas ng Developer o ang batas ng Pilipinas sa pamamagitan ng PD 957? Hindi po kaya nagkaroon ng lagayan mula sa Municipyo upang sila ay mabigyan ng permit? Upang sila ay makaiwas hinati-hati nila ang subdivision upang lumiit ang no. of houses at area!! pero sa suma total ay nalansihan nila ang gobyerno pati ang HLURB. Di ba panloloko ang ganitong sytema? Sana po ay matulungan ninyo kami dito na makuha ang dapat na para sa amin. Ang sabi nila approbado naman ng Municipyo at HLURB. Sana po ay busisihin mabuti ni Gng. Vangie Palileo, na syang humahawak ng records ng Courtyard, si Nemiah Hernandez na syang Inspector at ni Mr. Jude Cacacho na syang Asst Head, Monitoring Unit. Nakalagay sa report ni Mr. Hernandez na N/A ang construction ng amenities at 100% completed ang construction ng concrete curbs and gutters pero sa totoo lang bitak-bitak at sira-sira ang mga concrete curbs and gutters.
Inaasahan ko po ang agaran po ninyong sagot sa ming mga katanungan. Maraming salamat po.
.
|