Sa framework of governance na ginawa ng HLURB maliwanag dun na ang pinagbabawal na maging president, vice president at treasurer ng HOA ay ang lessee at developer lamang bakit naman sa By-Laws na ginawa ng HLURB pinagbabawal ang Lessee at Tenants na maging presiden, vice president at treasurer ng HOA. Ano ba ang ibig nyong sabihin sa word na tenant? Karamihan kasi sa mga naninirahan sa mga first class na subdivision ang mga relatives tulad ng anak, magulang, pamangkin, kaibigan, pinsan atbp ang syang tumatao sa bahay na binili ng lot buyer na syang nagtatrabaho sa abroad. Kasama ba sila na hindi pwedeng tumakbo samantalang hindi naman sila Lessee o renter o Tenant kundi consideredc silang Homeowner kasi they represent the lot owner o buyer? Masyado naman yatang hindi makademokrasya ang panuntunan ng HLURB kung binabawalan ang mga immediate members of the family to run for elective position tulad ng President sa isang HOA? Pakiliwanag nga po ang issue na ito?
|