Sino ang maaaring magtatag ng Homeowners’ Association?
Ang maaaring magtatag ng asosasyon ay mga nakatira sa subdivision na wala pang asosasyon at mga taong nais magakaroon ng bahay at lupa sa ilalim ng mga programang pabahay ng pamahalaan.
Saan nagpapaparehistro ng Homeowners’ Association?
Ang asosasyon ay ipinarerehistro sa regional office ng HLURB na nakakasakop sa subdivision o lupang nais bilhin ng asosasyon.
Ilan dapat ang bilang ng incorporators?
Ang bilang ng incorporators ay hindi dapat bababa sa lima at hindi hihigit sa labinglima.
Ilan dapat ang bilang ng directors?
Ang bilang ng directors ay hindi dapat bababa sa lima at hindi hihigit sa labinglima.
Ilan dapat ang bilang ng mga kasapi ng isang asosasyon?
Sa mga asososyon sa subdivision, walang limitasyon ang dami ng miyembro. Sa mga asosasyon ng mga mangungutang sa CMP, ang bilang ng miyembro ay hindi dapat lalampas sa tatlong daan.
Bakit inirerehistro ang isang asosasyon?
Inirerehistro ang isang asosasyon upang ito ay magkaroon ng juridical personality na iba sa mga opisyales at kasapi nito.
Ilan dapat ang bilang ng directors o trustee?
Ang bilang ng directors o trustees ay hindi dapat bababa sa lima at hindi hihigit sa labinglima katao.
Sapilitan ba ang pagpapatala ng isang asosasyon?
Sa mga subdivision, ang pagpapatala ng asosasyon ay hindi sapilitan ngunit sa mga nais mapasailalim ng CMP, ito ay kailangan dahil hindi sila pauutangin kung hindi sila rehistrado.
Ano ba ang alituntunin tungkol sa pangalan ng asosasyon?
Ang pangalan ng isang asosasyon ay hindi dapat kasingtulad, kasing tunog o kasing hawig ng isang asosasyon na nakatala o nakarehistro na. Ito ay para maiwasan ang pagkalito ng mga tao kung aling asosasyon ang kanilang kaharap o kausap.
Ano ang nilalaman ng Articles of Incorporation?
Ang nilalaman ng Articles of Incorporation ay ang mga sumusunod:
-
Pangalan ng asosasyon
-
Pakay ng pagtatag ng asosasyon
-
Lugar ng opisina ng asosasyon na dapat ay nasa Pilipinas
-
Tagal ng buhay ng asosasyon
-
Mga pangalan, nationalities at tirahan ng mga incorporators
-
Bilang ng mga directors o trustees
-
Bilang ng kapital, ng mga pangalan, nationalities at tirahan ng mga nag-ambag at kung magkano ang inambag ng bawa’t isa
-
Iba pang mga bagay na hindi labag sa batas na mahalaga sa pagkakaalam ng mga incorporators
Ano ang mga dapat na nilalaman ng By-Laws?
Ang mga dapat na nakasaad sa By-Laws ay ang mga sumusunod:
-
Lugar, oras at paraan ng pagtawag at pagdaos ng pulong ng mga directors o trustees
-
Lugar, oras at paraan ng pagtawag at pagdaos ng pangkalahatang pulong
-
Kinakailangang dami o bilang ng dadalo sa mga pulong at halalan
-
Paraan ng proxies at paraan ng pagboto ng proxy
-
Qualifications at disqualifications, tungkulin at pabuya sa mga directors o trustees
-
Araw ng halalan at paraan ng pagbigay ng paalala o pagtawag ng halalan
-
Paraan ng paghalal o pagtalaga at tagal ng panunungkulan ng mga director o trustees at mga opisyales
-
Mga parusa sa paglabag ng mga alituntunin o By-Laws
-
Mga bagay na mahalaga at kanais-nais para sa asosasyon
Ano ba ang mga kapangyarihan o maaaring gawin ng isang asosasyon?
Ang mga maaaring gawin ng isang asosasyon ay ang mga sumusunod:
-
Maghabla at ihabla sa ilalim ng pangalan ng asosasyon
-
Ang magmana sa ilalim ng pangalan ng asosasyon habang ito ay hindi pa nabubuwag
-
Gumamit ng selyo ng isang korporasyon o asosasyon
-
Pagsusog ng Articles of Incorporation ayon sa Batas Pambansa Bilang 68
-
Paggawa ng By-Laws na hindi taliwas sa batas, kagandahang asal, polisiya ng publiko at ang pagsususog nito
-
Tumanggap, bumili, mamigay, umupa, o humawak ng ari-arian ng sang ayon sa batas
-
Makipag-isa o sumapi sa ibang asosasyon upang makabuo ng isang asosasyon
-
Mamigay ng mga ari-arian ng asosasyon
-
Tumanggap ng mga kasapi
-
Gawing ang mga bagay na ikakatupad ng hangaring ng asosasyon na nakasaad sa Articles of Incorporation na hindi labag sa batas
Ano ang hindi maaaring gawin ng isang asosasyon?
Ang isang asosasyon ay hindi maaaring magkaroon o gumawa ng anumang karapatan maliban sa mga ibinibigay dito ng batas at ng Articles of Incorporation at mga kaakibat ng mga kapangyarihang sasabi.
Gaano katagal ang buhay ng isang asosasyon?
Ang asosasyon ay maaaring tumagal ng limampung taon, maliban na lang kung ito ay bibigyan pa ng karagdagang panahon o babawasan sa pamamagitan ng pagsusog ng Articles of Incorporation o pagdissolve o pagbuwag nito ng mga opisyales at kasapi nito o ng pamahalaan/HLURB.
Kailan nagsisimula ang buhay ng isang asosasyon?
Ang asosasyon ay nagkakaroon ng buhay mula sa araw na ito ay mabigyan ng Certificate of Registration.
Sino ang nag-aapruba ng mga amiyenda sa Articles of Incorporation at By-Laws?
Ang majority ng board of directors o trustees ang unang nag-aapruba ng anumang amiyenda sa mga provisions ng Articles of Incorporation at By-Laws at pinagtitibay ito sa pamamagitan ng isang Board Resolution. Pagkatapos, ito ay ipapaapruba sa two-thirds o majority ng mga miyembro ng asosasyon.
Kailan nagkakabisa ang mga inamiyendahan sa Articles of Incorporation at By-Laws?
Ang Amended Articles of Incorporation at By-Laws ay nagkakabisa sa araw na ito ay maaprubahan ng HLURB at mabigyan ng Certificate of Filing of Amended Articles of Incorporation and By-Laws kapag naisumite lahat ng requirements ng opisina at ang mga amendments ay di labag sa batas.
Ano ang obligasyon ng asosasyon sa HLURB pagkatapos na ito ay mairehistro?
Ang asosasyon ay dapat magsumite sa HLURB ng reportorial requirements ukol sa resulta ng eleksyon ng mga directors at officers at estadong pinansyal ng asosasyon kada taon, depende sa termino ng mga opisyales. Dapat ding patatakan ang mga libro ng asosasyon sa HLURB.
Ano ang epekto kapag ang isang asososasyon ay hindi nakarehistro?
Kapag ang isang asosasyon ay hindi nakarehistro at ginagampanan at nag-ooperate sya na gamit ang karapatan at pribilehiyo ng isang rehistradong asosasyon, ang mga opisyales at miyembro nito ang personal na mananagot sa mga obligasyon at mga paglabag sa batas ng nasabing de facto association.
Back to FAQs
|