Found at: http://www.hlurb.gov.ph/article/articleprint/1984/-1/260/

Mga Dapat Tandaan Kung Bibili ng Bahay at Lupa sa Isang Broker o Developer


Top level HLURB Final Buyers

Kung Bibili ng Bahay

Bago Bumili

  1. Alamin sa owner/developer/brokers/salesmen kung ang project ay naka rehistro at may license to sell sa HOUSING LAND USE REGULATORY BOARD (HLURB). Malalaman ito sa website na www.hlurb.gov.ph ang listahan ng mga project na may License to Sell, o di kaya ay magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng HLURB upang malaman kung ito ay may “license to sell”. Matatagpuan dito ang mga pangalan ng Regional Officers at addresses at numero ng telepono ng Regional Offices.
    Kapag may license to sell na po nangangahulugan na pwede na kayong bumili ng unit sa nasabing developer.
  2. Alamin sa broker kung siya ay naka rehistro sa HLURB.
  3. Alamin sa kopya ng License to sell ng developer kung kailan tatapusin ang proyekto.
  4. Alamin kung nakasanla ang proyekto at kung ito ba ay may pahintulot ng HLURB.
  5. Alamin kung nagkakatugma ang brochure at advertisement sa approved plan ng project. (Makikita ito sa project docket sa HLURB)
  6. Alamin kung saan ang kinatatayuang lugar ng bibilhing bahay.

Kapag Bibili na

  1. Alamin kung kaya ng budget nyo ang equity at buwanang hulugan.
  2. Alamin kung hinde substandard ang materyales ng bahay, at ito ay sang-ayon sa approved specifications. (Makikita sa project docket sa HLURB)
  3. Alamin ang mga basic necessities kagaya ng ilaw at tubig, drainage, open space, etc.
    (Makikita din sa project docket sa HLURB)
  4. Alamin kung kasama sa presyo ng housing unit ang halaga ng water system at kung sino ang magpapatakbo nito, electric meter, pagpabakod ng proyekto, etc.
  5. Alamin kung isa lang kayong magmamayari nito, at hinde nabenta na sa iba ang property.
  6. Tiyakin na ang contract to sell ay irerehistro ng developer sa Registry of Deeds.

Bago Pumirma ng Contract to Sell

  1. Tingnan ang maliliit na letra ng kontrata at basahin mabuti ang lahat ng nakasaad dito
  2. Huwag pipirma sa blangkong papel
  3. Alamin ang taong otorizadong tumanggap ng paunang bayad (equity) at buwanang bayad. (monthly installments)
  4. Humingi ng official receipt ng owner/developer sa binayad na halaga at kopya ng kontrata.


Back to Tips on Buying Real Estate

Receivers email:

*

Your email:

*



| Back to normal page view | Send this article to a friend |